Friday, February 24, 2012

Awiting Bayan

Objectives (Layunin)

a. Maipapaliwanag ang kahulugan ng Awiting Bayan
b. Makakabisado ang mga awiting bayan bilang mga anyo ng Panulaang Filipino 
c. Mapapahalagahan ang mga awiting bayan bilang pamana ng lahi.


TARA NG TUKLASIN ANG MUSIKA NG ATING BAYAN!!!



Kahulugan

Ang Awiting Bayan ay ang mga kantang sariling atin at gawa ito ng sariling bayan upang ipahayag o malaman ng iba ang mga bagay-bagay tungkol sa bayan, sa pamamagitan ng mga awiting ito.

Ang mga awiting-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.


Mga Uri ng Awiting-Bayan

  Kundiman - awit ng pag-ibig

  Kumintang o Tagumpay - awit ng pandigma

  Dalit o Imno - awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya

  Oyayi o Hele - awit ng pagpapatulog ng bata

  Diona - awit sa kasal
  Suliranin - awit ng mga manggagawa
  Talindaw - awit sa pamamangka


                                                       
Mga Video 
( sitsiritsit, Paru-parung Bukid, Leron Leron Sinta, Ang Pipit, 
Santa Clara at Magtanim ay Di Biro )

















Marahil sa lahat ng mga tula ang Awiting Bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. 
Ang mga paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, kabuhayan.  


  •      Ang mga sumusunod na mga Larawan ay nagpapakita na inaawit  pa ang mga Awiting Bayan







Pagpapahalaga:
    Nawa'y patuloy na mamutawi sa ating mga labi  ang mga Awiting Bayan, upang sa susunod na henerasyon patuloy itong mapahalagahan at mabigyan ng pansin at nawa'y patuloy pa nating tangkilikin ang sariling atin katulad ng ang mga Awiting Bayan. :)



References:
http://filipinofolksongsatbp.blogspot.com/


No comments:

Post a Comment