Objectives (Layunin)
a. Maipapaliwanag ang kahulugan ng Awiting Bayan
b. Makakabisado ang mga awiting bayan bilang mga anyo ng Panulaang Filipino
c. Mapapahalagahan ang mga awiting bayan bilang pamana ng lahi.
Ang Awiting Bayan ay ang mga kantang sariling atin at gawa ito ng sariling bayan
upang ipahayag o malaman ng iba ang mga bagay-bagay tungkol sa bayan, sa pamamagitan ng mga
awiting ito.
Ang mga awiting-bayan ay
mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa
rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron,
Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.
Mga Uri ng Awiting-Bayan
Kundiman - awit ng pag-ibig
Kumintang o
Tagumpay - awit ng pandigma
Dalit o
Imno - awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya
Oyayi o
Hele - awit ng pagpapatulog ng bata
Diona - awit sa kasal
Mga Video
( sitsiritsit, Paru-parung Bukid, Leron Leron Sinta, Ang Pipit,
Santa Clara at Magtanim ay Di Biro )
Marahil sa lahat ng mga tula ang Awiting Bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri.
Ang mga paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, kabuhayan.
- Ang mga sumusunod na mga Larawan ay nagpapakita na inaawit pa ang mga Awiting Bayan
Pagpapahalaga:
Nawa'y patuloy na mamutawi sa ating mga labi ang mga Awiting Bayan, upang sa susunod na henerasyon patuloy itong mapahalagahan at mabigyan ng pansin at nawa'y patuloy pa nating tangkilikin ang sariling atin katulad ng ang mga Awiting Bayan. :)
References:
http://filipinofolksongsatbp.blogspot.com/